Skip to content

Walang Pagmamaliw (Silver Anniversary Edition)

Bukas Palad Music Ministry
Popularity · Low

YouTube

Searching YouTube...

Lyrics

Nagbabago ang kalikasan. Naglalaho ang kagandahan. Binabago ng panahon, pati kahulugan ng kahapon. Kumukupas ang karangalan. Nalilimot ang pangalan. Kung lahat na lang lumilipas, ano kaya'ng di maaagnas? Isa lang ang di nagmamaliw: ang pag-ibig Mo, giliw. Sa mundong walang katiyakan, pag-ibig Mo'y tanging sandigan. Anuman ang aking sapitin, makakaya ko'ng pasanin, Ipabatid Mo lang sa akin, ako'y mahal Mo pa rin. Masumpungin ang damdamin, malambing at matampuhin. Kung nagmamaliw ang pangako, saan kaya di mabibigo? Isa lang ang di nagmamaliw: ang pag-ibig Mo, giliw. Sa mundong walang katiyakan, pag-ibig Mo'y tanging sandigan. Anuman ang aking sapitin, makakaya ko'ng pasanin, Ipabatid Mo lang sa akin, ako'y mahal Mo pa rin. Isa lang ang di magmamaliw: ang pag-ibig Mo, giliw.