Alas-tres
Daph
Popularity · Low
YouTube
Searching YouTube...
Lyrics
Alas-tres na naman pala
Nakatitig na naman sa mga salita
Na pareho nating binitawan
Na hindi naman napangatawanan
Kala ko nakausad na ako
Pero nandito pa rin ako
Sa mga unang letra
Na nababanggit mo
Andami ko nang kwento
Sayang lang wala ka na dito
E ‘di sana masaya ang
Puso
Na-na-na-naiisip mo rin ba ako
Baka sakaling pareho tayo
Na na-na-na-na-nais bumalik
Sa umpisa ngunit hindi nga pala tayo nag-umpisa
Alas-tres na naman pala
Oras na naman para balikan ang mga
‘Di dapat balikan
Gulong-gulo ang aking isipan
Dapat ba ‘to pagsisihan
O mabuti nang wala ka
Kesa sa ako ang iyong
Kasama
Andaming buwan nang lumipas
Saan nga ba napunta
Ba’t parang kahapon lang sabi mo
“Hihintayin kita” pero nauna ka na
Andami ko nang kwento
Sayang lang wala ka na dito
E ‘di sana masaya ang
Puso
Na-na-na-naiisip mo rin ba ako
Baka sakaling pareho tayo
Na na-na-na-na-nais bumalik
Sa umpisa ngunit hindi nga pala tayo nag-umpisa
Paano na
Gano’n na lang ba talaga
Madali ba
Kalimutan ang lahat
Na parang walang (pinagsamahan)
Na parang walang (pinagdaanan)
Madami ka na rin bang kwento
Iniisip mo rin ba ‘ko
Bago ka matulog
Andaming hindi nasabi
Nagbabakasakali na
Na-na-na-naiisip mo rin ba ako
Baka sakaling pareho tayo
Na na-na-na-na-nais bumalik
Sa umpisa ngunit hindi nga pala tayo nag-umpisa
Ohh wohh hoh