Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
Isang Gabi
Midnight Meetings
Popularity · Low
+
Filipino · Original
0
0
YouTube
Searching YouTube...
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Buong gabi binubuo lang sa'king isipan
Kung paano ko ba sisimulan
Walang araw na 'di ako nauuwi sa pagkautal
T'wing lalapit ka 'di ako mapalagay
Ngayon lang, kahit ngayon lang
Pakinggan mo kahit mahirap pakinggan
Ngayon lang, kahit ngayon lang
H'wag mo sana akong unahan
Magdamag gising, sinasaulo ang mga salita
Na baka sakali ika'y mapaniwala
Nag-aabang, naghahandang sumagot
Kahit madalas 'di mo pinapatapos
Ngayon lang, kahit ngayon lang
Hayaan mo kahit mahirap hayaan
Ngayon lang, kahit ngayon lang
H'wag mo sana akong labanan
Ilang oras na lang ang nalalabi sa pagdating ng umaga
Walang madaling paraan upang magpaalam
Sa huling gabi nais kang hawakan
Ngayon lang, kahit ngayon lang
Pakinggan mo kahit mahirap pakinggan
Ngayon lang, kahit ngayon lang
H'wag mo sana akong pigilan