Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
Pulubi
Freddie Aguilar
Popularity · Moderate
+
Filipino · Original
0
0
Listen
YouTube
1
2
3
0:00 / 0:00
Loading YouTube player...
Lyrics offset
Synced
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Ang suot niya ay lumang-luma
At ang kanyang mga mata'y malamlam
Banaag mo sa kanyang mukha ang kahirapan
Maghapon siya sa mga daan
Nanghihingi ng kaunting tulong
At madalas n'yo siyang hamakin at libakin
Siya ay pulubi
Hinahamak ninyo
Siya ay pulubi
Tao ring katulad niyo
At pagsapit ng dilim
Wala man lang siyang matuluyan
Sa lamig ng paligid, walang makublihan
Kailan niyo siya kaaawaan?
Kailan niyo siya mauunawaan?
'Pag ang lahat ay huli na, siya'y lilimusan
Siya ay pulubi
Hinahamak ninyo
Siya ay pulubi
Tao ring katulad niyo
Siya ay pulubi
Hinahamak ninyo
Siya ay pulubi
Tao ring katulad niyo