Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
Away-Bati
Yeng Costantino
Popularity · Low
+
Filipino · Original
0
0
YouTube
Searching YouTube...
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Puro away, napapansin mo ba?
Mamaya ngingiti, mamaya ngingiwi
Puro tampuhan, walang katapusan
Mamaya hihinto, 'di ka na kikibo
'Di naman sa sinasabing nagsasawa na
Ang akin lang naman, puwedeng ayusin pa ba?
Kung ayos lang sa 'yo ang ganito
Sige na nga, magtitiis na lang ako
Kasi nga mahal kita, 'di naman puwedeng sabihin
Na ayaw ko na, kasi nga mahal kita
Konting masabi, naiinis agad
Ako ba ang mali? Oo ba o hindi?
Sa buong araw, 'di puwedeng walang sigawan
Ako nga ang mali, laging nagtitimpi
'Di mo naman aamining kasalanan mo nga
Nasasaktan na ako, hoy, ano ka ba?
Kung ayos lang sa 'yo ang ganito
Sige na nga, magtitiis na lang ako
Kasi nga mahal kita, 'di naman puwedeng sabihin
Na ayaw ko na, kasi nga mahal kita
'Di naman sa sinasabing nagsasawa na
Ang akin lang naman, puwedeng ayusin pa ba?
Bakit ba kasi ang daming pinagtatalunan?
Sige na nga, 'di naman kita kayang iwanan
Kasi nga mahal kita, 'di naman puwedeng sabihin
Na ayaw ko na, kasi nga mahal kita
Ayoko lang ng ganito, sumasakit na ang ulo ko
Away-bati tayo
Mahal kita, kaya 'di ko sasabihing
Ayoko na, kasi nga mahal kita
Ayoko lang ng ganito, sumasakit na ang ulo ko
Away-bati tayo
Oh-oh-oh-whoa
Oh-oh-oh-whoa