Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
Yahweh - Studio
Victory Worship
Popularity · Low
+
Filipino · Original
0
0
YouTube
Searching YouTube...
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Si Yahweh ang aking Pastol
'Di ako magkukulang
Pinahihimlay Niya ako
Sa luntiang pastulan
Inaakay Niya sa tahimik na batisan
Pinanunumbalik Niya, aking kalakasan
Pinapatnubayan ang bawat hakbang
'Di ako nag-iisa
Yahweh, Yahweh, Yahweh
Pag-ibig Mo'y walang-hanggan
Yahweh, Yahweh, Yahweh
Sa 'Yo, ako'y mananahan
Si Yahweh ang aking Pastol
Siya'y aking kalakasan
Ang aking patnubay sa
Landas ng katuwiran
Upang ang ngalan Niya'y aking papurihan
Kaluwalhatian Niya ang itataas
Tungkod Niya't baston ay ang aking matibay na sanggalang
Yahweh, Yahweh, Yahweh
Pag-ibig Mo'y walang-hanggan
Yahweh, Yahweh, Yahweh
Sa 'Yo, ako'y mananahan
Yahweh, Yahweh, Yahweh
Pag-ibig Mo'y walang-hanggan
Yahweh, Yahweh, Yahweh
Sa 'Yo, ako'y mananahan
Dumaan man ako sa libis ng kamatayan
Takot ay walang lugar sa pusong may tiwala
Ikaw ang aking Tagapagligtas
Ikaw sa akin ang lahat-lahat
Yahweh, Yahweh, Yahweh
Kabutihan Mo'y walang-hanggan
Yahweh, Yahweh, Yahweh
Sa 'Yo, ako'y mananahan
Yahweh, Yahweh, Yahweh
Pag-ibig Mo'y walang-hanggan
Yahweh, Yahweh, Yahweh
Sa 'Yo, ako'y mananahan
Si Yahweh ang aking Pastol