Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
Walang iba
Jin Chan
Popularity · Low
+
Filipino · Original
0
0
YouTube
Searching YouTube...
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Nagkukunwaring hindi nababaliw
Tuwing ika'y nahahawakan, paano bang labanan 'to?
Kapag ako'y natutukso, nadadarang sa init mo, ah
Teka muna, sandali lang, malala na, oh
Hindi napapansing dumadalas ka na sa isipan.
Parang naririnig ka na parati kung saan-saan
Sadyang nawawala katapangan 'pag ika'y nand'yan
Ba't ganito? Naadik sa 'yo, walang kawala, oh
Nakahiga sa ulap, dinig na dinig ang paghinga
Gamay na gamay ang sukat ng katawan ng isa't isa
Kahit walang imikan, naiintindihan kita
Kapag ikaw ang kasama, wala nang kailangan pang iba
Wala nang kailangan pang iba
Wala nang kailangan pang iba
Kahit walang imikan, naiintindihan kita
Kapag ikaw ang kasama, wala nang kailangan pang iba
'Di ko mapigilang gumalaw, oh-yeah, yeah
Sumasabay ang katawan sa pag-indak
Kahihiyan natin ay sumakabila
Sumilip ang umagang walang pahinga, oh-yeah
Paano bang aminin ang nadarama?
Mainit ang paligid, kinikilala ang pag-ibig
Parang panaginip kapag ika'y kapiling
Ang pag-ikot ng mundo ay tumitigil sa kada galaw ng 'yong kamay
Ayaw ko nang humiwalay, ah-mah
Teka muna, sandali lang, malala na, oh
Hindi napapansing dumadalas ka na sa isipan