Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
Benteng Ukit
Wilbert Ross, Lampara, 2023
Popularity · Low
+
Original
0
0
YouTube
Searching YouTube...
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Madilim ang paligid
Wala man lang sumisilip
Sino ang totoo?
Ilawan mo naman aking mundo
Sumasaglit lang sa langit
'Wag ka munang magalit
Hilain mo na ako
Hawakan mong mahigpit, saklolo
Kunin mo na ang gamot
Gawing panghimagas sa balot
Ako'y uhaw na uhaw
Nasa'n na ba ang sabaw na panlinis?
Nasa'n na ang patalim?
Matalas ba? Tignan natin
Benteng ukit sa ilalim ng permanenteng guhit
Ano'ng mayro'n sa baba?
Nakatingin, nakatulala
Gusto mo bang lumipad kasama ako?
Madilim ang paligid
Sa dagat na sinisisid
Iahon mo na ako
O kailangan ko lang pa lang tumayo
Hindi na makahinga
Nilulunod ang sarili mag-isa
Ano ba'ng mayro'n diyan sa ilalim?
Kunin mo na ang gamot
Gawing panghimagas sa balot
Ako'y uhaw na uhaw
Nasa'n na ba ang sabaw na panlinis?
Nasa'n na ang patalim?
Matalas ba? Tignan natin
Benteng ukit sa ilalim ng permanenteng guhit
Ano'ng mayro'n sa baba?
Nakatingin, nakatulala
Gusto mo bang lumipad kasama ako?
Gusto ko ring mawala sa mundo
Kahit saglit lang, mawala itong nararamdaman
Pero nandito pa ako ngayon kumakanta
Sinasabing naiintindihan kita
Nasa'n na ang salamin?
Okay ka ba? Tignan natin
Benteng ukit sana'y 'di na ito maulit
Ano'ng mayro'n sa baba?
May hagdanan, bumaba ka kaya
Gusto mo bang maglakad? Pag-usapan ito