Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
Dambana
Angela Ken
Popularity · Low
+
Filipino · Original
0
0
YouTube
Searching YouTube...
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
'Di mo ba alam na ikaw lang ang hinihintay
Na igalaw ang baso para mabasag ang katahimikan?
Ang kalabog ng puso ko'y rinig hanggang sa kabilang kanto
At isang tanong mo lang, walang ibang sagot kundi "oo"
Alam kong tayo'y patungo rin naman dito
Ikaw lang naman ang inaabangang lumuhod sa harapan
At ako'y tanungin ng "Puwede bang akin ka lang?"
Oo, sa 'yo lang (sa 'yo lang), sa 'yo lang (sa 'yo lang)
Sa 'yo't sa 'yo lang (sa 'yo lang), sa 'yo lang naramdaman
Ang ganitong kilig, takot, kaba, nginig, saya, lahat-lahat (sa 'yo lang)
Sa 'yo lang ako hanggang sa walang-hanggan
Sa 'yo lang, sa 'yo lang, sa 'yo lang
'Di mo ba alam na ikaw lang ang nakita kong sa akin ay seryoso?
Sino ba naman ang 'di mahuhulog?
Ang ngiti, 'pag nakita ka'y abot hanggang sa kabilang kanto
Pati sa aking pamilya, sa 'yo lang sila naging kalmado
Alam kong tayo'y patungo rin naman dito
Ikaw lang naman ang inaabangang lumuhod sa harapan
At ako'y tanungin ng "Puwede bang akin ka lang?"
Oo, sa 'yo lang (sa 'yo lang), sa 'yo lang (sa 'yo lang)
Sa 'yo't sa 'yo lang (sa 'yo lang), sa 'yo lang naramdaman
Ang ganitong kilig, takot, kaba, nginig, saya, lahat-lahat (sa 'yo lang)
Sa 'yo lang ako hanggang sa walang-hanggan
(Sa 'yo lang, sa 'yo't sa 'yo lang) ha
Sa 'yo lang, sa 'yo lang naramdaman
Ang ganitong kilig, takot, kaba, nginig, saya, lahat-lahat
Sa 'yo lang (sa 'yo lang)
Alam kong tayo'y patungo rin naman dito
Ikaw lang naman ang hanggang sa dambana
Gusto kong makasama at pangangakuan ng "oo"
Ako'y sa 'yo lang (sa 'yo lang)