itinakda
Popularity · Low
YouTube
Searching YouTube...
Lyrics
Bawat paghinga at bawat paggising
Ay ikaw ang nagtatakda
Bawat pahina ng buhay namin
Ay ikaw ang may -akda
Sa bawat yapak nitong paglalakbay
Ay ikaw ang nagtutungo at umaakay
At natagpuan mo ako
Bago pa man isilang dito sa mundo
Itinakda
Na ako'y matagpuan mula sa kawalan
Kamangha mangha
Na ako'y ibigin mo ng pagsintang walang haggan
Itinakda at hinirang mo ako sa'yong pag-ibig
At bawat pintig, bawat bituin
Ay ikaw ang nagbibilang
Bawat panahon at landasin ng hangin
Ay ikaw ang nakaka-alam
Hindi rin lingid sa'yo ang mga sala ko
Ngunit salamat at pinatawad at binago mo
At iniligtas mo ako
Mula simula, gitna hanggang dulo
Woah- oh - oh
Itinakda na ako'y matagpuan
At ika'y masumpungan
Kamangha-mangha na ako'y ibigin mo
Ng pagsintang walang hanggan
Itinakda at hinirang mo ako sa'yong pag-ibig