Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
Sinugalan
HEZER
Popularity · Low
+
Filipino · Original
0
0
YouTube
Searching YouTube...
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Una pa lang, nangako ka na
Na 'di ka sasama sa iba
Tinalikuran mo ang mga salita
Na binitawan mo
Mahal, nasa'n ka na?
Mag-ingat ka sana
Hinahanap-hanap ko pa rin
Ang presensya mong kinasanayan
Alam kong 'di mananalo sa laban
Ngunit bakit sinugalan?
Pagmamahal sa 'yo ay 'di mawari
Ngunit bakit ako ay sinaktan mo pa?
At bakit pa nanatili sa piling mo? Ooh-ooh
Sinabi mo sa 'kin na babalik ka pa
Pero 'di na 'ko umasa
Kasi alam ko naman na 'di na mangyayari pa
Hanggang pangako ka na lang pala talaga
Hinintay kita
Umasa pa nga
Pinanghawakan ko
Ang pangako mong magpapakita ka
Alam kong 'di mananalo sa laban
Ngunit bakit sinugalan?
Pagmamahal sa 'yo ay 'di mawari
Ngunit bakit ako ay sinaktan mo pa?
At bakit pa nanatili sa piling mo? Oh-oh
Umalis ka na, umalis ka na, oh-oh
Nananatili ka pa rin sa isip at damdamin
Umalis ka na, ititigil ko na, oh