Pira-Pirasong Ala-Ala (Ala)
Popularity · Low
YouTube
Searching YouTube...
Lyrics
Kung maibabalik ang panahon
At mayro'n pang pagkakataon
Na ang kahapon ay ulitin
Ang nais ko'y kahit na sandali
Malasap muli at makapiling ka
Kung maibabalik ang panahon
At mayro'n pang pagkakataon
Ang pagkakamali'y baguhin
Nang sa ngayon mabago kong lahat
Ang sinapit ng ating pag-ibig
Pira-pirasong ala-ala
Hanggang ngayo'y taglay-taglay ko pa
Pira-pirasong ala-ala
Ng lumipas nating kay saya
Mga bakas ng tag-araw
At ang lamig ng tag-ulan
Mga araw na kapiling ka
Nakatago na lang sa aking gunita
Kasama ko sa aking pag-iisa
Pira-pirasong ala-ala
Hanggang ngayo'y taglay-taglay ko pa
Pira-pirasong ala-ala
Ng lumipas nating kay saya
Pira-pirasong ala-ala
Hanggang ngayo'y taglay-taglay ko pa
Pira-pirasong ala-ala
Ng lumipas nating kay saya
Hohh...
Pira-pirasong ala-ala
Hanggang ngayo'y taglay-taglay ko pa
Pira-pirasong ala-ala...