Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
Ang Mundo
Shalom Singers
Popularity · Low
+
Filipino · Original
0
0
YouTube
Searching YouTube...
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Sino ka man kaibigan
Ano man ang iyong kalagayan sa buhay
Mayaman ka man o mahirap
Mataas ang pinag-aralan o mangmang
Malaya o nasa bilangguan
Ang awit na ito'y iyong pakinggan
Iyong pag-isipan
At iyong paghandaan
Masdan mo ang mundo at pagnilay-nilayan mo
Digmaan ay sumisiklab, himagsikan ay laganap
At sa ibang panig naman, na walang kaguluhan
Tao'y nagpapasasa sa makamundong gawa
Mundo'y lumalala, maliwanag na tanda
Ng muling paghuhukom na Kan'yang winika
At sa iyong pagninilay-nilay
Damahin mo ang mensaheng taglay
Na tayo'y maging handang naghihintay
Sa anak ng Diyos na buhay
Isipin mo ang mundo at ang ebanghelyo
Tanda ng huling paghuhukom ay matutunghayan mo
Pagtalinong sobra ng tao ay isa sa mga ito
Sa kapangyarihan at salapi ay 'di na nakuntento
Mundo'y lumalala, maliwanag na tanda
Ng muling paghuhukom na Kan'yang winika
At sa iyong pagninilay-nilay
Damahin mo ang mensaheng taglay
Na tayo'y maging handang naghihintay
Sa anak ng Diyos na buhay
Sa anak ng Diyos na buhay
Sa anak ng Diyos na buhay