Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
Takip Silim
Gloc-9
Popularity · Low
+
Filipino · Original
0
0
YouTube
Searching YouTube...
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
'Di ko sana binitawan ang iyong mga kamay
At sa paglipas ng taon, ako sa 'yo ay sumabay
Alalayan at masamahan ka sa huli
'Yan ay 'di ko ginawa noong ikaw ay akin pa
Paggising sa umaga, deretso sa banyo
Naligo nang maaga, nilakasan ang radyo
Habang pinili ang paborito kong damit
Na ginamit ko no'ng tayo'y magkakilala
Lumabas ng bahay, tumingala sa langit
Kahit na tulala ay mahinang inaawit
Sa 'king sarili ang himig na nadinig
Sa radyo (sa radyo) no'ng tayo'y magkakilala
'Di ko sana binitawan ang iyong mga kamay
At sa paglipas ng taon, ako sa 'yo ay sumabay
Alalayan at masamahan ka sa huli
'Yan ay 'di ko nagawa noong ikaw ay akin pa
Kahapon ay nanggaling ako sa manggagamot
At ang laman na hangin sa baga'y 'di aabot
Kahit nalaman ay 'di naman ako galit
Ibinaling ko sa dami ng naalala
Tanong ko sa aking sarili
Ano ang gagawin ko?
Lahat ng tila imposible
Pagkakasyahin ko
Lalangoy sa dagat, maliligo sa ulan
Maghahanap akong makahiya sa damuhan
Habang lumalakad nang nakapaa sa putikan
Ang oras ay ngayon, walang tanong na "Kailan?"
Asintahin mga bituin, pagmamasdan nang mabuti
Magbebenta ng mura, 'di bale na kung malugi
'Wag kang mag-aalangan, bawasan ang munimuni
Dapat 'di ka natatakot, bahala na kung mahuli
Aking sasabihin ang lahat ng gusto kong sabihin
Lulusungin ang lahat ng gusto kong sisirin
Mailap na kasaguta'y aking hahanapin
Ang mga mahal sa buhay ko ay aking yayakapin
Lumuhod sa Ama, tumingala
Nang ang maling nagawa, mabalewala
Ang "paalam" ay isang malungkot sa salita
Lalo na kung marami ka pang hindi nagawa
Kaya sabihin mong mahal mo siya bago mahuli ang lahat
Kalagan mo ang dilang kagat
Tapos bumalik sa umpisa para lang humina lahat
At marinig mo ang tama't tapat
Dahil ang buhay natin ay hiram, 'di alam kung kailan
O kung ga'no kaigsi ang panahong nakalaan
Buhay natin ay hiram, 'yan ay dapat mong alam
Dahil ang kahapo'y 'di na natin puwedeng balikan
'Di ko sana binitawan ang iyong mga kamay
At sa paglipas ng taon, ako sa 'yo ay sumabay
Alalayan at masamahan ka sa huli
'Yan ay 'di ko ginawa noong ikaw ay akin pa
'Di ko sana binitawan ang iyong mga kamay
At sa paglipas ng taon, ako sa 'yo ay sumabay
Alalayan at masamahan ka sa huli
'Yan ay 'di ko ginawa noong ikaw ay akin pa
Noong ikaw ay akin pa
Noong ikaw ay akin pa