Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
Sana Ako Na Lang
LTNM
Popularity · Low
+
Filipino · Original
0
0
YouTube
Searching YouTube...
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Magagawa mo bang gumising nang
Walang inaalala na nakaraan?
Paano ba mapipilit ang puso mo
Na hindi makaalis sa 'yong kahapon?
Hanggang kailan magbubulag-bulagan?
Alisin mo ang piring sa 'yong mata
Magagawa mo rin namang lumaban
Sadyang hindi mo lang gustong siya'y kalimutan
Ano ba ang mayro'n siya, mayro'n na siyang iba?
Bakit ka pa nagtitiis, mahal naman kita?
Nandito lang ako kahit mahal mo siya
Hindi ako maiinip, hihintayin kita
Sana ako na lang, dapat tayo na lang
Kung pwede lang naman, ako't ikaw na lang
Tahan na, hindi ka niya mahal
Wala namang mangyayari, tigilan mo na 'yan
Gising na, sa piling ko naman
Pangakong 'di ka iiyak kung ako't ikaw na lang
Hanggang kailan magbubulag-bulagan?
Alisin mo ang piring sa 'yong mata
Ano pa ba namang kinakailangan?
Wala na rin naman kayong patutunguhan
Ano ba ang mayro'n siya, mayro'n na siyang iba?
Bakit ka pa nagtitiis, mahal naman kita?
Nandito lang ako kahit mahal mo siya
Hindi ako maiinip, hihintayin kita
Sana ako na lang, dapat tayo na lang (tayo na lang, ako't ikaw na lang)
(Sana naman, tayo na lang) kung pwede lang naman, ako't ikaw na lang
Sana ako na lang, dapat tayo na lang (tayo na lang, ako't ikaw na lang)
Kung pwede lang naman, ako't ikaw na lang
Magagawa mo bang gumising nang (ako't ikaw na lang)
Walang inaalala na nakaraan? Ako't ikaw na lang