Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
Betsin
Wish 107.5
Popularity · Low
+
Filipino · Original
0
0
YouTube
Searching YouTube...
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Oh, gabi na naman, simula na'ng inuman
Sa lugar na pinag-usapan at plinanong kababuyan
Inimbita ang biktima at napa-"Oo" na siya
Ang ngitian nila ay lagpas-tenga na, yeah
Whoa, oh, oh
Lumapag ang anghel, ginampanan kanyang papel
Ang tagay na sunod-sunod at mga simpleng haplos
Hindi ka ba napapagod sa mga hagod?
At nalulunod sa mga mapanlinlang nilang mga salita
Tatlong oras ang nakalipas
At walang kaalam-alam at pinagmamasdan ka na
Dumidilim ang paligid, aking naririnig
Ang bawat tindig ng mga himig
May pumapatak sa baso ng anghel na pumipiglas
Bawat higop, katumbas ay isang bigwas
Pinapaikot ka sa laro na 'kala mo may pinto palabas
Tila namamanhid ang katawan, mga demonyo nag-aagawan sa laman
Nakikiusap na 'wag muna maglaro at nabebetsinan ka na
Whoa, oh, oh
Umalis isa-isa at nilunok mo bawat pakla
Hihingi ba ng saklolo dahil baka wala lang maniwala
Gumising ka nang mag-isa, kagabi, kayo ay lima
Nawalan nang tuluyan sa kasalukuyan
'Di na maiwasan, 'di pa makalaban
Tatlong oras nakalipas
At walang kaalam-alam at ika'y nabetsin na pala
Dumidilim ang paligid, aking naririnig
Ang bawat tindig ng mga himig
May pumapatak sa baso ng anghel na pumipiglas
Bawat higop, katumbas ay isang bigwas
Pinapaikot ka sa laro na 'kala mo may pinto palabas
Tila namamanhid ang katawan, mga demonyo nag-aagawan sa laman
Nakikiusap na 'wag muna maglaro (at nabebetsinan ka na)
Sa kinakadulu-duluhan ng iyong kapangyarihan
Bakit 'di mo maisipan maalagaan?
Ang tao na walang kalaban-laban sa lima
Ngunit pinilit niyo pa rin isa-isa kahit gustong kumawala
Wala na bang awa o kahit konting pakitang-tao sa kapuwa?
Masaya ka na bang nakasira ka na, nakawasak ka na ng buhay?
At dito sa alay, panay pa rin tulo ng laway
At nag-away-away kung pa'no ka ba ibabaon sa hukay
Whoa, whoa, whoa
(Bawat higop, katumbas ay isang bigwas) whoa
(Pinapaikot ka sa laro na 'kala mo may pinto palabas) wala
Tila namamanhid ang katawan, mga demonyo nag-aagawan sa laman
Nakikiusap na 'wag muna maglaro at nabebetsinan
Ang anghel na pumipiglas
Bawat higop, katumbas ay isang bigwas
Pinapaikot ka sa laro (pinapaikot ka sa laro), na akala mo may pinto, whoa-oh
Tila namamanhid ang katawan, mga demonyo nag-aagawan sa laman
Nakikiusap na 'wag muna maglaro at nabebetsinan ka na