Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
Halaga
Migol Music
Popularity · Low
+
Filipino · Original
0
0
YouTube
Searching YouTube...
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Sa takbo ng panaho'y nawawala
Ang bituing kumikinang sayong mata
Hinahanap hanap
Nasan ka na ba
Di matagpuang halaga
Pano kung tumigil na kong maghabol
Hinihingal, nahihilo't, nabubulol
Ganyan lagi
Isusuko na ang laban
Kung patungo rin naman sa kawalan
Bawat hirap na pinagdaanan
Balewala rin naman
Sa paglubog ng araw
Natutulala
Inaalalang panahong lumipas na
Pwede bang mabalikan
Araw na walang pasan
Itong pusong luhaan at sugatan
Paano kung 'di na kayaning ngumiti?
Mayroon bang magtatahan at tatabi?
Ganyan lagi
Isusuko na ang laban
Kung patungo rin naman sa kawalan
Bawat hirap na pinagdaanan
Balewala rin naman
Isusuko na ang laban
Tutal talo na rin naman
Ba't kailangan pang paghirapan
Kung balewala rin naman
At sa aking pagbitaw
Bukas ay matatanaw
May mainit na yakap
Sa mundong gumugunaw
Bat ka pa maghihintay
Ngayong putol na ang tulay
Sumusuko na sa laban
Patungo lang naman sa kawalan
Bawat hirap na dinaanan
Balewala rin naman
Panahon nang bitawan
Di kailangang patunayan
Kahit pano subukan
Balewala
balewala