Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
Tindahan Ni Aling Nena
Ciudad
Popularity · Low
+
Filipino · Original
0
0
YouTube
Searching YouTube...
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Isang araw
Pumunta ako sa tindahan ni aling nena
Para bumili ng suka
Pagbayad ko aking nakita
Isang dalagang nakadungaw sa bintana
Natulala ako laglag ang puso ko
Nalaglag rin ang sukang hawak ko
Napasigaw si aling nena
Nako naman ay parang na nakuryenteng pusa (meow)
Ngunit natanggal ang hiya nang nakita ko na
Nakatawa ang dalaga
Panay ang sorry ko sa pagmamadali
Nakalimutan pa ang sukli ko
Pagdating sa bahay nagalit si nanay
Pero oks lang ako ay inlababo ng tunay
Tindahan ni aling Nena
Parang isang kwentong pampelikula
Mura na at sari sari pa ang itinitinda
Pero ang tanging nais ko ay 'di nabibili ng pera
Pumunta ako sa tindahan kinabukasan
Para makipagkilala
Ngunit sabi ni aling Nena
Habang maaga'y huwag na raw akong umasa
Anak niya'y aalis na papuntang canada
Tatlong araw na lang ay ba bye na
Tindahan ni aling Nena
Parang isang kwentong pampelikula
Mura na at sari sari pa ang itinitinda
Pero ang tanging nais ko ay 'di nabibili ng pera
Hindi mapigil ang damdamin
Ako'y nagmakaawang ipakilala
Payag daw siya kung araw araw
Ay meron akong binibili sa tinda niya
Ako'y pumayag at pinakilala niya
Sa kanyang kaisa isang dalaga
Ngunit nang makilala siya'y tumalikod na
At iniwan akong nakatanga
Tindahan ni aling Nena
Parang isang kwentong pampelikula
Mura na at sari sari pa ang itinitinda
Pero ang tanging nais ko ay 'di nabibili ng pera
Tindahan ni aling nena
Dito nauubos ang aking pera
Araw araw ay naghihintay
O aling Nena please naman maawa ka ahh
Alam nyo'ng nangyari
Wala ah wala ah wala ah (oh diyos ko)
Wala ah wala ah wala ah (haha wala)