Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
Maligayang Pagdating
Abaddon
Popularity · Low
+
Filipino · Original
0
0
YouTube
Searching YouTube...
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Biglang nagdiwang ang puso
Nang may dumating na isang anghel
Isang regalo
Habang-buhay ko na kayamanan
Ano man ang kailangan mo
Ay handa kong ibigay
Nandito lang kami palagi, lagi-lagi
Hinding-hindi ka mag-iisa
Aalalayan kita, 'di ka maliligaw
Mamahalin kita, 'di kita bibitawan
Sumilong ka sa 'king anino
'Pag nadapa ka, 'lika rito
Salamat sa mga ngiti mo
Maligayang pagdating dito sa buhay ko
Aalagaan kita hanggang sa matutunan mo
Kung pa'no ba tumayo, lumipad, at magmahal
Aalalayan kita hanggang sa 'king huling paghinga
Hanggang tumitibok ang puso ko
Ligtas kang makakapaglaro sa mundo
Gawin mo lang lahat ng iyong gusto
Hanggang sa matutunan mo
Ang tumayo at madapa
Malungkot at sumaya
Magmahal at masaktan
Lahat ng 'yan, lahat ng 'yan
Mahigpit na yakap na sa 'min mo lang mahahanap
Sa 'kin lang, sa 'min lang para sa 'yo
Baunin mo sa 'yong pagyapak sa mundo
Lagyan mo ng kulay, hanapin mo malapit man o malayo
Ay nandito lang kami habang-buhay
Maligayang pagdating dito sa buhay ko
Aalagaan kita (aalagaan kita) hanggang sa matutunan mo
Kung pa'no ba tumayo, lumipad, at magmahal
Aalalayan kita hanggang sa 'king huling paghinga
Maligayang pagdating
Lahat ay kayang gawin
Basta para sa 'yo, para sa 'yo, para sa 'yo, oh
Para sa 'yo, para sa 'yo, para sa 'yo
Para sa 'yo