Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
Salamat Po
Parokya ni Edgar
Popularity · Moderate
+
Filipino · Original
0
0
Listen
YouTube
1
2
3
0:00 / 0:00
Loading YouTube player...
Lyrics offset
Synced
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Masarap tumunganga, halika na
'Di mo na kailangan pang magsalita
Parang blessing kung wala kang magawa
Titingin ka lang sa langit at kakanta
Tungkol sa dampi ng araw at sa haplos ng hangin
At sa halik ng alon sa pisngi ng buhangin
Tanawing kay ganda, parang sinasadya
Mapapahanga ka sa lumikha
Kung sino man Kayo, salamat po
Ang sarap lang tumambay at magsama-sama
Parang mamamatay na tayo sa kakatawa
Masarap ding tumambay nang mag-isa
Hihiga ka lang sa kama at kakanta
Tungkol sa agos ng buhay at sa daloy ng tadhana
At sa nakakalunod na pagbuhos ng biyaya
Wala'ng lahat ng ito, kundi dahil sa 'Yo
Alam ko nang Ikaw ay totoo
Kung sino man Kayo, kung nasa'n man Kayo
Kung sino man Kayo, salamat po