Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
Ligaw
JET
Popularity · Low
+
Filipino · Original
0
0
YouTube
Searching YouTube...
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Sa lakas ng 'yong dating, ako'y napahiling
'Di ko akalain na sa 'yo'y napapraning
Kapag kasama ka, nananatili lang kalmado
Ikaw ang dahilan kaya ang araw ko'y kumpleto
Laging sa 'yo nakatingin (wala nang hahanapin pang iba)
Nawawala aking lungkot (pagod limot ko na)
Laging ikaw ang panaginip
Kumakatok ang dibdib ko sa 'yo at sumisilip
Oh, 'di ko akalain na ako'y mabibighani sa iyo
Ikaw ang dahilan kung bakit nabubuhay dito sa mundo
Napapatitig ako sa ngiti mo
Sa tuwing nasisilayan ang iyong ganda
Tila postura at imahe mo'y kakaiba
Baby, I think I'm the one, the one for you
Kaya ako'y napapaligaw, ligaw sa iyo
Ligaw, ligaw sa 'yo
Ayoko na ulit na magising
Ang ibigin ka, 'yon lamang ang tangi kong hiling
Sa 'yong imahe, tila 'di na 'ko makatingin
Kung puwede sana, kahit isang beses ka na maangkin
Simula pa no'n, ikaw lang ang aking pantasya
Hayaan mo 'kong kausapin ang mga tala
Takasan ang mundo nating sabay-sabay
Lumibot sa mundong malayo sa problema, yeah
Oh, 'di ko akalain na ako'y mabibighani sa iyo
Ikaw ang dahilan kung bakit nabubuhay dito sa mundo
Napapatitig ako sa ngiti mo (ngiti mo)
Sa tuwing nasisilayan ang iyong ganda (iyong ganda)
Tila postura at imahe mo'y kakaiba
Baby, I think I'm the one, the one for you (I'm the one for you)
Kaya ako'y napapaligaw, ligaw sa iyo (ligaw)
Ligaw, ligaw sa 'yo
Ligaw, ligaw sa iyo (yeah)
Ligaw, ligaw sa 'yo
Ligaw, ligaw sa iyo
Ligaw, ligaw sa 'yo