Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
Sulitin
Guddhist Gunatita
Popularity · High
+
Filipino · Original
0
0
Listen
YouTube
1
2
3
0:00 / 0:00
Loading YouTube player...
Lyrics offset
Synced
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Yeah, kamusta na?
Alam ko, marami rin kayong iniisip
Kaya, ikanta na lang natin yan
Hmm, La-la-la-la-la-la-la
Dami kong pinagdaanan, at hindi 'yun madali
Pero kahit na ganon ay mas pinilit ko pa rin ang ngumiti
Kasi napakaikli lang din naman ng buhay, ang bilis ng sandali
Mas mabuti na sulitin ang saya imbes na puro pighati
Kasi ganyan lang ang buhay 'wag mainipin
Kung ano ang parating 'wag masyadong isipin
May mangyari mang mali, wala kang dapat sisihin
Pa'no ka magbabawi, 'yun ang dapat isipin
Dami kong pinapangarap abutin
Mga bagay na hindi ko balak angkinin
Tiwala sa proseso kailangang 'di mainipin
Ibigay mo ang lahat habang kumpleto pa ang ngipin
At kung ako naman ang tatanungin
Ano ang plano ko bago ako maging anghel
Gusto ko umasenso para 'di na nabibitin
Sa mga bagay na gusto ko lang din na sulitin
Gusto kong maglakbay, lumipad, mawala
Pumunta sa lugar na hindi kabisa
Ayos lang mag-isa 'wag ka mabalisa
Malay mo bukas-makalawa, ayos na
Ang lahat ay lilipas pagtagal
Wala din naman dito permanent sapagkat
Lahat ng 'to'y 'di atin kaya dapat lang sulitin
Ngayon alam mo na kung bakit
Dami kong pinagdaanan at hindi 'yun madali
Pero kahit na ganon na mas pinilit ko pa rin ang ngumiti
Kasi napakaikli lang din naman ng buhay, ang bilis ng sandali
Mas mabuti na sulitin ang saya imbes na puro pighati
Kasi ganyan lang ang buhay 'wag mainipin
Kung ano ang parating 'wag masyadong isipin
May mangyari mang mali, wala kang dapat sisihin
Pa'no ka magbabawi, 'yun ang dapat isipin
Madalas man naliligaw ay pilitin mo pa rin, 'wag kang mahibang
At pilitin mo pa rin, na maging ikaw
Sagipin ang sarili 'wag ka bumitaw, yeah
Madalas man nasusugatan, parte yan ng paggaling, 'wag mong susukuan
Kahit ga'no kasakit ang pinagdadaanan, kapit lang ng mahigpit
'Wag mong isipin na kalaban mo ang mundo, yeah
Laging isipin na parte lang yan, alam mo