Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
Paborito
Natt Dublin
Popularity · Low
+
Filipino · Original
0
0
YouTube
Searching YouTube...
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Parang timang ako'y lutang 'pag naiisip ka
Nananaginip nang gising at natutulala
Parang lito at tuliro 'pag di nagkikita
Sumisikip itong dibdib 'pag ikaw ay wala
At 'pag nandyan ka at tumitig ka, hayyy
At bigla-bigla gusto ko ng mahabang buhay
Paborito kitang tao sa mundo
Pa'nong minsan akala mo, nalilimutan ko
Na ibigin kita
Eh laging nasa isip ka
Araw-araw,
Oras-oras,
Gustong gusto kita
Parang hibang, nabubuang 'pag may sorpresa ka
Natatawa, namamangha sa dulot mong saya
Parang baliw, napapraning 'pag di ko mapantayan
Pag-ibig mong lumalabis halos walang masidlan
At 'pag nandyan ka at tumitig ka, hayyy
At bigla-bigla gusto ko ng mahabang buhay
Paborito kitang tao sa mundo
Paanong minsan akala mo, nalilimutan ko
Na ibigin kita
Eh laging nasa isip ka
Araw-araw,
Oras-oras,
Gustong gusto kita