Pano?
Gloc-9
Popularity · Low
YouTube
Searching YouTube...
Lyrics
Mga tanong ko sa'kin, kapag ako lang mag-isa
Halos ay kausapin, tila baliw sa tingin nila
Lahat ng napasa 'kin, kahit kaila'y hindi kanila
Pero pa'no? Pa'no? Kung hinayaan ka sa iba?
Pa'no kung hindi rap ang musika?
Pinili 'nong kabataan, kursunada ng siga
Pa'no kung hindi ako nagsulat?
Gumamit ng mikroponong mahina mga ugat
Sa leeg ay kita dahil sa lakas
Lumabas, bumukas, kumatas, umutas
Pa'no kung hindi ko nalutas
Ang s'yang dapat kong gawin nang daana'y bumukas?
Pa'no kung nagpatalo ako
Noong mahina ako, natandaan mo ba 'to?
Pa'no kung hindi ko pinaglaban ang pangarap ko
Mula pa noong aking kabataan?
Pa'no kung nabulag sa kinang
Ng mga 'di pa bilang ilaw na nakakailang?
Pa'no kung ako ay nalasing
Sa sigaw at palakpakang matagal ko nang hiling?
Pa'no kung ako'y 'di naniwala?
Dasal ko sa bintanang luluhod ng mga tala
Pa'no kung hindi ako nakinig
Sa mga paralupang hindi ako matulin?
Pa'no kung hindi ko nakilala
Ang taong nagmamay-ari ng nag-iisang korona?
Pa'no kung 'di kita minahal
Ng higit pa sa 'king buhay kahit ga'no pa katagal?
Mga tanong ko sa'kin, kapag ako lang mag-isa
Halos ay kausapin, tila baliw sa tingin nila
Lahat ng napasa 'kin, kahit kaila'y hindi kanila
Pero pa'no? Pa'no? Kung hinayaan ka sa iba?
Pa'no kung hindi ako sumali sa paligsahan?
Talunan, kasi nga ay nagmura
Pa'no kung hindi ko tiniis ang gutom?
Naluom na amoy ng mga damit kong pinagulong
Para magkasya sa bag
Pa'no kung binilang ko lahat ng aking inambag?
Pa'no kung tinanggap ko ang sabi sa'king
"Hanggang d'yan ka lang, 'wag ka na lang mag-abang"?
"Wala ka ring mapapala"
"Kasi kahit na ilang beses mong subukan
Bata, 'wag kang magpakahibang"
Pa'no kung hindi ako umabot
Ng dalawampu't walong taon sa paghabi ng sapot?
Pa'no kung tinuloy ko ang pagtinda ng pizza sa Brunei
Para lang makatulay sa buhay?
Kasi maliit ang sweldo ng isang empleyadong
Pangalan ay Pollisco
Pa'no kung hindi ko nakita si Chito?
Sa likod nang sumunod, nagbagsakan ang ngiti ko
Tapos kinagat ako ng asong kulay abo
Mula noon ay nadinig kapag nagsalita ako
Pa'no kung hindi ako nagtabi
Ng mga aning palay?
Huminahon sa pagbuhos ng tabo ay umalalay
Kita mo sa nauna, ipasa sa parating
Pa'no kung sa tula 'di ako gumaling?