Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
Saan?
Maki
Popularity · Very high
+
Filipino · Original
0
0
Listen
YouTube
1
2
3
0:00 / 0:00
Loading YouTube player...
Lyrics offset
Synced
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Wala naman akong nais banggitin
'Di pag-uusapan lahat na nangyayari sa 'tin
Pagkatapos akong lamunin at suyuin ng panahon
Pati sa panaginip, 'di man lang huminahon
Sadyang gusto ko lang naman tanungin
Ang 'yong mata na madalas nagsisinungaling
Ang galing, parang kahapon lang, mahal mo ako
Hindi inaasahang ganito ka magbabago
Pero kahit gan'to (pero kahit gan'to)
Naiisip mo man lang ba 'ko?
Kasi kahit saan magpunta, hinahanap ko ang 'yong mukha't
Baka biglang magkita pa tayo
Sa Kyusi, sa UP
Sa kalsada ng BGC
Pagkalipas ng ilang taon
Makikita mong walang tinapon
'Di ko binaon, bagkos tinanim
Sa aking puso at isip
No'ng gabing iniwan mo ako
Habang-buhay na 'kong maghihintay sa 'yo
Bumalik
Bumalik sa 'kin
Ang dami pa nating nais puntahan
Mga plano natin na sumusuntok sa buwan
Ngayon, siya na ang kasama mo kung saan-saan
Saang banda nagkamali para iyong iwanan?
Sa t'wing ako'y masaya (t'wing ako'y masaya)
Naiisip pa rin kita
At kahit sa'n ako mapunta, hinahanap ko ang 'yong mukha't
Baka biglang magkita pa tayo
Sa Kyusi, sa UP
Sa kalsada ng BGC
Pagkalipas ng ilang taon
Makikita mong walang tinapon
'Di ko binaon, bagkos tinanim
Sa aking puso at isip
No'ng gabing iniwan mo ako
Habang-buhay na 'kong maghihintay sa 'yo
Bumalik
Bumalik sa 'kin
Sa museo ng Antipolo
Sa MOA, o sa Maginhawa
Nais kang makasama
Saan ka?