Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
Sa'king Lilim
Don Rev
Popularity · Low
+
Filipino · Original
0
0
YouTube
Searching YouTube...
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Pilit tayong nangangapa sa tunay nating nadarama
Kaya't ako'y hihinto muna, maghihintay ng 'yong salita
Nang maidikta hangganan ng tingin, at 'di mabitin
Sa'n aabot ang intindi kung 'di tiyak ano man ang 'yong hangarin?
Sana'y sabihin kung para sa'kin ba ang alamin
Ano ang gusto mong mangyari? Lumalalim na'ng gabi
Hahanapin ba ang init sa'king tabi?
Kung nais angkinin ang aking puso't damdamin, kahit 'wag mo ng ibalik
'Wag lang sanang magsisisi paglipas ng ating sandali
Sa dami-raming mapupuna, tatanggapin kung lumisan ka
Pero bakit nakasilong ka pa rin sa aking lilim?
Ako'y marapat bang katabi?
Nahihiyang makihati sa'yong hangin, kung 'di piliin
O para sa'kin ba'ng alamin?
Ano ang gusto mong mangyari? Lumalalim na'ng gabi
Hahanapin ba ang init sa'king tabi?
Kung nais angkinin ang aking puso't damdamin, kahit 'wag mo ng ibalik
Sa dulo ng anino ikaw ay nahawakan
Sa gitna ng hininga ika'y naramdaman
Sa gilid ng 'yong tungo, ako'y nananawagan
Na atin ng bawasan ang pumapagitan
Ano ang gusto mo'ng mangyari? Lumalalim na'ng gabi
Hahanapin ba ang init sa'king tabi?
Kung nais angkinin ang aking puso't damdamin
Kahit 'wag mo nang ibalik
Ano man ang iyong ibilin, oh aking gagawin
Tatahakin bawat sulok ng aking silid
Kung gamit 'yong bibig haharangin ang aking mga labi
Kahit 'wag tawaging halik