Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
eroplano
Ace Cirera
Popularity · Low
+
Filipino · Original
0
0
YouTube
Searching YouTube...
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Uh, uh, ano'ng oras na?
Kamay ng orasan
Mas mabilis pa sa paang nagtatakbuhan
Walang hanggan ang langit
Lapit pa nang lapit ang nagbabatuhan
Kometang 'di maubos, ang dami
Nakatingin habang nakahiga sa dayami
Laging binubulong ko ang mga sinasabi sa hangin
Kasi baka marinig mo't mangyari
Malay mo naman
Sa isang iglap, magbago
Ang hirap maging tao
Bago makalipad, kailangan pa ng eroplano
At damong matapang, lango sa alak
Batong-bato sa mga pinaggagawa
Ng panahon sa araw-araw
Angat-baba na parang watawat
Ang buhay, kamatayan lang makakaawat
Pag-ibig, pambalanse sa mundong magara
Hindi ka titigilan mainis, mapikon
Wala kang magagawa kundi tumawa at umiyak
'Pag 'di mo na kaya
Walang mawawala, basta walang titigil sa tinatahak
Kaya lakad pasalang sa eksenang 'di balanse
Pero laban lang sa mga pagsubok na dadaan
Dahan-dahan lang
Dahan lang
Dahan-dahan lang, kaya
Kamay ng orasan
Mas mabilis pa sa paang nagtatakbuhan
Walang hanggan ang langit
Lapit pa nang lapit ang nagbabatuhan
Kometang 'di maubos, ang dami
Mabilis lang lumipas ang panahon
Parang kailan lang, nandiyan ka
Paglingon, nasa loob ng ataul
Mga inipong alaala
Mabilis lang lumipas ang panahon
Parang kailan lang, nandiyan ka
Paglingon, nasa loob ng ataul
Mga inipong alaala
Kamay ng orasan
Mas mabilis pa sa paang nagtatakbuhan
Walang hanggan ang langit
Lapit pa nang lapit ang nagbabatuhan
Kometang 'di maubos, ang dami
Nakatingin habang nakahiga sa dayami
Laging binubulong ko ang mga sinasabi sa hangin
Kasi baka marinig mo't mangyari
Malay mo naman
Sa isang iglap, magbago
Ang hirap maging tao
Bago makalipad, kailangan pa ng eroplano