Hwag Nang Malumbay
Popularity · Low
YouTube
Searching YouTube...
Lyrics
Huwag nang malumbay mahal, pagdaloy ng ulan
Sa aking kandungan ay mayroon kang gabay
Lagi kang nagtataka at di mapalagay
Sa uri ng daigdig na iyong nagisnan
Pag-ihip ng hangin, ula'y mawawala
Paglipas ng panahon, luha sa iyong pisngi'y maglalaho
Bakit ka mangangamba, pagdaloy ng ulan
Bahag-hari ay lumilitaw, sa iyo'y naghihintay
Pag-ihip ng hangin, ula'y mawawala
Paglipas ng panahon, luha sa iyong pisngi'y maglalaho
Huwag nang malumbay mahal at doon matatanaw
Bahag-hari ay lumilitaw, sa iyo'y naghihintay
hmm, hmm, hmm