Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
Interesado
Jayvee
Popularity · Low
+
Filipino · Original
0
0
YouTube
Searching YouTube...
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Interesado ako na malaman
'Di lang ang 'yong pangalan
Sa'n ang 'yong tirahan
Maging ang 'yong pinagkakaabal'han
Handa 'kong aralin
At kabisaduhin
Paboritong pagkain mo pati inumin
Lugar na gustong puntahan ay libutin
Hayaan mo lang sanang
Iparamdam ko sa'yo kung gaano kita kailangan
Interesado ako na baguhin
Aking mga kilos at mga gawaing alam kong
'Di mo sa'kin gugustuhin
Kahit alanganin
Aking pipilitin
Isasantabi mga takot
Kabang bumabalot
'Di papayagang manaig
Hayaan mo lang sanang
Iparamdam ko sa'yo
Kung gaano kita kailangan
Maari bang sa'kin ka mamalagi
Sa tuwing ika'y nag-iisa?
Ramdam ang payapa
Sa tuwing ika'y aking kapiling na
Interesado ako na samahan
Ka sa pag-abot ng hangarin hanggang sa palarin
Handa akong maging saksi
At interesado rin ako na gugulin
Sa'yo mga sobra kong oras
Libreng mga araw
Sa'yo ko lang ilalaan
Hayaan mo lang sanang iparamdam ko sa'yo
Kung gaano kita kailangan
Maari bang sa'kin ka mamalagi
Sa tuwing ika'y nag-iisa?
Ramdam ang payapa
Sa tuwing ika'y aking kapiling na
Interesado ka rin ba na malaman
Ang aking pangalan
Sa'n aking tirahan
Maging aking pinagkakaabal'han?