Skip to content

Diyos Ang Kasagutan

Popularity · Low

YouTube

Searching YouTube...

Lyrics

Huwag kang malungkot, kaibigan Sa iyong sinapit na kabiguan Mga biyaya'y kakantin Sa ibang araw na darating Huwag ka sanang magtatampo Baka ito'y isang pagsubok sa'yo Ako'y isang kaibigan mo Na nagpapayo nito Kailangan ay tiyaga Upang makuha ang gusto Huwag mong isuko ang sarili mo Kahit anong bigat ng problema mo Ay mayroong kasagutan dito Huwag kang matakot, kaibigan Sa bawat pagsubok sa buhay Higit sa lahat nandiyan ang Diyos Upang samahan ka Buksan mo ang mata't isipan Ang buhay ay hindi laging ganyan Mayroon ding bagong umaga Bagong lakas, bagong pag-asa Kailangan ay tiyaga Upang makuha ang gusto Huwag mong isuko ang sarili mo Kahit anong bigat ng problema mo Ay mayroong kasagutan dito Huwag kang malungkot, kaibigan Sa iyong sinapit na kabiguan Mga biyaya'y kakantin Sa ibang araw na darating Diyos ang kasagutan Diyos ang kasagutan Siya lang ang ating kailangan