Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
Tuwing Umuulan At Kapiling Ka
Aiza Seguerra
,
Ryan Cayabyab
Popularity · Low
+
Filipino · Original
0
0
YouTube
Searching YouTube...
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Pagmasdan ang ulan, unti-unting pumapatak
Sa mga halama't mga bulaklak
Pagmasdan ang dilim, unti-unting bumabalot
Sa buong paligid t'wing umuulan
Kasabay ng ulan, bumubuhos ang 'yong ganda
Kasabay rin ng hanging kumakanta
Maari bang huwag ka nang sa piling ko'y lumisan pa?
Hanggang ang hangi't ula'y tumila na
Buhos na ulan, aking mundo'y lunuring tuluyan
Tulad ng pag-agos mo, 'di mapipigil ang puso kong nagliliyab
Pag-ibig ko'y umaapaw, damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka
Pagmasdan ang ulan, unti-unting tumitila
Ikaw ri'y magpapaalam na
Maari bang minsan pa, mahagkan ka't maiduyan pa?
Sakbibi ka't ulan lamang ang saksi
Minsan pa, ulan, bumuhos ka't huwag nang tumigil pa
Hatid mo ma'y bagyo, dalangin ito ng puso kong sumasamo