Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
Dedmahan - Nakaw Na Sandali
APO Hiking Society
Popularity · Low
+
Filipino · Original
0
0
YouTube
Searching YouTube...
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Dedmahan, walang pakialaman
Parang hindi sila magkakilala
Wala rin, wala rin pansinan
Hindi mo iisiping may tagong lihim
Ngunit 'pag wala ng tao at wala ng nakakakita
At sila na lang dalawa
Yakapan at halikan, suyuan at lambingan
Bumibigay ang pagpigil ng panggigigil
Hindi mapaghiwalay sa isa't isa
Kay tamis ng pag-ibig kapag nakaw ang mga sandali
Kumplikado ang buhay ni lalaki
Maraming alaga sa bahay
Si babae, nagbubulag-bulagan
Ayaw tanggapin ang katotohanan
Walang inaalala kapag sila'y magkasama
Walang masyadong salita
Yakapan at halikan, suyuan at lambingan
Bumibigay ang pagpigil ng panggigigil
Hindi mapaghiwalay sa isa't isa
Kay tamis ng pag-ibig kapag nakaw ang mga sandali
Walang inaalala (Akala mo walang problema)
Basta't sila'y magkasama (Walang nakikitang iba)
Wala nang masyadong salita (Yeah)
Yakapan at halikan, suyuan at lambingan
Bumibigay ang pagpigil ng panggigigil
Hindi mapaghiwalay sa isa't isa
Kay tamis ng pag-ibig kapag nakaw ang mga sandali
Kay tamis ng pag-ibig kapag nakaw ang mga sandali
Kay tamis ng pag-ibig kapag nakaw ang mga sandali
Nakaw na sandali