Skip to content

Pati Pato (Parokya Remix)

Parokya ni Edgar; Gloc-9; Shanti Dope; DJ Klumcee
Popularity · Low

YouTube

Searching YouTube...

Lyrics

Three, two, one Tayong lahat ay may yaman na taglay Dapat mapantay kahit na sumablay 'Di puwedeng matamlay kahit nakasaklay Matutong mag-antay sa mga sinampay Buhat ng kausapin ko ang aking pangarap Kahit magtago ka nang mabuti'y aking mahahanap Tinig ng batang probinsiyano ay mapalaganap 'Di ko man inakala na kahit na sa hinagap Ay mapapakinggan kahit na minsan Pagkakataon na ayaw kang bigyan Ng panglamang tiyan, ulam sa pinggan May humatak man sa likod, harap ang tingnan Pero 'wag kalimutang magpasalamat sa 'yong mga nakatuwang Kahit na makalamang, hindi mo kailangan pa na magmayabang Kape man ay matabang, kahit hindi na mainit, inumin mo lang Bituin sa langit na hindi mo pa bilang Mga panaginip, sige, tuparin mo lang, pati pato Tara sa panibagong kanta at makisalo Panalo at lalong malasa 'pag hinalo Ang mga barang patok at pamihadong Uulit-ulit-ulitin upang makabisado Ang mga salita mo, laging asintado Dito sa laro, hindi man laging sigurado Dapat itaya mo kahit pa dehado 'Todo mo na ang iyong panabla pati pato Nagsimula kami, wala akong pera Baon kami sa utang kahit na Atenista Wala akong talento, hindi rin ako guwapo Pero 'tang ina nila, 'di ako nagpatalo Bakit ko papansinin kung sa'n sila lamang? Tututukan ko na lang kung sa'n ko kayang galingan Hindi patas ang laban, pero sandali lang Wala naman nagsabi na pantay-pantay ang ating dadaanan Iba't ibang hagdanan Ang importante ay tuloy-tuloy ang paghakbang Basagin ang mga hadlang, 'wag mong gamiting dahilan Kapag mayro'ng gusto, palaging mayro'ng paraan Tandaan mo lang, kailangan nating galingan 'Pag mayro'n kang pangarap, 'wag na 'wag mong papakawalan Lalo na kung mayro'n kang kakaibang aabutin Dapat handa kang paghirapan, ano man ang harapin, tsong Tara sa panibagong kanta at makisalo Panalo at lalong malasa 'pag hinalo Ang mga barang patok at pamihadong Uulit-ulit-ulitin upang makabisado Ang mga salita mo, laging asintado Dito sa laro, hindi man laging sigurado Dapat itaya mo kahit pa dehado 'Todo mo na ang iyong panabla pati pato Tinapat ang salamin, tinanong kung para saan ka pa ba nand'yan Dumaan sa ganito't ganyang hadlang hanggang nakaramdam Ng pagod mabigo, tumino, saktan, na nagtulak sa 'kin alamin Ang kaya pa marating ng sulatan at kada hinaing Lalong gumaling no'ng 'kala mo napuruhan sa Murang gulang, 'di masukat ang kamalayang sungay Papanuwag sa 'di makataong mundo, nakakaumay na Lumipad habang may buhay, gamit husay, sama na gulay, uh! Tsob, tsa, tagilid (akin, sa pamatong utak-damdamin) Sa'n man dalhin ng maduming hangin May baong bara't dasaling panawid sa madugo n'yong pain Ang panahong 'to sa 'kin, amin, kabig Pati pato, halata na 'di malabo para linawin Natural nang may doble kara, anomang mundo ang lakaran Buti na lang ay sanay ako sa gubat-ahas, kalat lamang Limitasyon na walang hangganan ang dala hanggang sa dulo Sige, matawa habang may ulo ka pa sa mata ko, tara Tara sa panibagong kanta at makisalo Panalo at lalong malasa 'pag hinalo Ang mga barang patok at pamihadong Uulit-ulit-ulitin upang makabisado Ang mga salita mo, laging asintado Dito sa laro, hindi man laging sigurado Dapat itaya mo kahit pa dehado 'Todo mo na ang iyong panabla pati pato