Skip to content

Dedma

Julie Anne San Jose, Abra
Popularity · Low

YouTube

Searching YouTube...

Lyrics

Bakit hindi ko maintindihan? Sino ba at nasaan? Ha? Ano siya, anito? Superhero? Tagarito ba? O baka tagabuwan Ano ba yan? Gawa gawa lang ba ng tao? O? Kaligtaran, tulad ni Adan? Yung totoo 'di mo alam Ayaw maki-alam o wala ka lang pakialam... Andami nang namamatay, pumapatay nagpapakamatay at nabubuhay sa mali Mga bata'y, nadadamay, sa mga away... Ang gulo na ng mundo na kulang sa pamsin Puro pa gera, dulot ng pera nakakalungkot Ba't ba ka ba ubod ng dedma? Punyeta! retreat sa kweba oras na ma-Sodom at Gomorrah 'Tong buong planeta, teka Kayrami nang tukso nand'yan at lalapit sa'yo Mga matang nakasunod nakabantay, naglalakbay Sa pagitan ng dilim at ng liwanag Mapait ang katotohanan sa mundong makasalanan Pa'no kung walang kabilang buhay? Pa'no niyo kami matutubos? Pa'no kung wala pa ring patunay At yun ay kasi wala naman talgang Diyos? Na bwakaw magpasamba Kung ayaw mo daw mananalanta Pero ganu'n pa rin naman kahit magdasal ka Tignan mo Deuteronomio kung mapagmahal siya Nasa'n na ba kasi 'yung ebidensya? Mukhang natakpan ng piring ang sistema Mga pruweba ng primitibong siyensya Mahirap tanggapin na para ding penitensya Sentensiya, sa mga mapang-abuso Kontrolado utak kapagka hawak ang puso Punto, sa'n patungo ang relihiyon? Sa katapusan ba ng mundo o sa Panginoon? Bakit gano'n? Kayrami nang tukso nand'yan at lalapit sa'yo Mga matang nakasunod nakabantay, naglalakbay Sa pagitan ng dilim at ng liwanag Mapait ang katotohanan sa mundong makasalanan Minsan, 'di natin nababatid ang kamalian ng lahat Na siyang kay hirap tanggapin At kahit iisa ang kinikilalang Diyos Ama Ang tanong, bakit yata parang deadma yung iba? Nasaan? Nasaan ang kaligtasan? Kapag naghiganti na si Inang Kalikasan? Delubyo tapos tuhog sunog, chicken inasal Halik ni kamatayan sa kamay ng kabihasnan Sino ba dapat sisihin para sa kasamaan? Demonyo ba o malayang pagpasyang may kapatawaran? May kaluluwa po ba talaga yung katawan? O kathang isip lamang ng mga takot sa kawalan? Kailangan ko ng bendisyon Maliwanagan parang Thomas Edison Kahit mabusisi, alam ko sa sarili ko 'Di ko kayo kinekwestiyon, malayang desisyon Kasi imposibleng inimbento ka lang Sino ang arkitekto? Sikreto na lang Perpekto lahat p'wera tao disenyo pa lang ang tanong Bakit gano'n? Yan ang pala isipan Kayrami nang tukso nand'yan at lalapit sa'yo Mga matang nakasunod nakabantay, naglalakbay Sa pagitan ng dilim at ng liwanag Mapait ang katotohanan sa mundong makasalanan