Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
daungan ng mga inibig
Ian Quiruz
Popularity · Low
+
Filipino · Original
0
0
Listen
YouTube
1
2
3
0:00 / 0:00
Loading YouTube player...
Lyrics offset
Synced
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Ang pag-ibig, sabi ng ilan
Mararamdaman sa oras na hindi mo malalaman
Kung tamaan at 'di ka pa handa
Ay gabi-gabing nakatulala't nakatingala
Sa mga bituin
Ano't lumulukso itong aking damdamin?
Hanap ko siya
Biglang paborito kong lugar ay ang tabi niya
Maglalayag na ang pag-ibig
Sa daungan ng mga inibig
Nais kong malaman, hanggang kailan iibigin?
Sana hanggang ang mundo ay mapasa'tin
Ang pag-ibig, sabi ng mga matatanda
Sobrang lawak, 'di namamalayang nandiyan na
Ang pag-ibig, ayon sa alamat ng may akda
Ay nalalaman sa pag-usad ng daong kung tunay ngang
Hindi mabigat
Pagsuyo ang mananaig
Kasama ko siya
Sa panahon ng bagyo at ng mga kilig
Maglalayag na ang pag-ibig
Sa daungan ng mga inibig
Nais kong malaman, hanggang kailan iibigin?
Sana hanggang ang mundo ay mapasa'tin
Maglalayag na ang pag-ibig
Sa daungan ng mga inibig
Nais kong malaman, hanggang kailan iibigin?
Sana hanggang ang mundo ay mapasa'tin
Sana hanggang ang mundo ay mapasa'tin
Nang ang umiibig ay mangyaring ibigin