Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
Sasaya Sa Pilipinas
APO Hiking Society
Popularity · Low
+
Filipino · Original
0
0
YouTube
Searching YouTube...
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Nasa tamang kalagayan ang puso mo
At ako'y hanga sa 'pinaglalaban mo
'Yang mga prinsipyo sa bayan, mahalaga
Ika'y tunay na bayani, bayani sa iyong bansa
Mayro'n ding mga bayani sa kabila
Iba sa 'yo sa isip at paniniwala
Mayro'n ding tungkulin na ipinaglalaban
Ba't hindi sana kayo magkaibigan?
Itabi na muna'ng galit at armas
At subukang pag-usapan ang problema
At sa bawat araw na lilipas na walang labanan
Ay maaring makahanap ng mapayapang lunas
At sasaya ang Pilipinas
Bakit may rebelde? Bakit may sundalo?
Ba't nagpapatayan kapuwa Pilipino?
Iilan pa'ng batang dapat maulila
Bago manahimik dito sa ating bansa?
'Di niyo ba makita kung saan patungo?
Kung hindi magkasundo'ng mga panig ninyo
Aming nalalaman na talagang mahirap
Ngunit kapayapaan ang aming pangarap
Itabi na muna'ng galit at armas
At subukang pag-usapan ang problema
At sa bawat araw na lilipas na walang labanan
Ay maaring makahanap ng mapayapang lunas
At sasaya ang Pilipinas
Itabi na muna'ng galit at armas
At subukang pag-usapan ang problema
At sa bawat araw na lilipas na walang labanan
Ay maaring makahanap ng mapayapang lunas
At sasaya ang Pilipinas
At sasaya ang Pilipinas
At sasaya ang Pilipinas
At sasaya ang Pilipinas
At sasaya ang Pilipinas
At sasaya ang Pilipinas
At sasaya ang Pilipinas
At sasaya ang Pilipinas