Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
Ikaw Na Naman
Matt Habit
Popularity · Low
+
Filipino · Original
0
0
YouTube
Searching YouTube...
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Ikaw na naman
Ang hinahanap sa gabi oh
Ikaw na naman
Ang gusto kong makatabi oh
Ikaw na naman
Ang hinihintay na makasabay
Walang papantay kahit sino pa man
Dalhin kita kahit saan
Simula noong nakita ka ako ay napatulala
(Sa iyong kagandahan)
Akala ko sanay na mag-isa hangga't nahulog at natumba
(Walang dahan-dahan)
Ano na ngayon?
Sabi sa sarili bigyang panahon
Bago ako sumabak sa isa pang relasyon
Pero kung ikaw
Pwedeng kalimutan ko na yon, oh God
Kuha mo lahat ng gusto ko bilang katapat
Nasaktan dati pero parang ikaw ay sapat
Matigas ang ulo pero rekta lang sapagkat
Kung ako'y masugatan
Okay lang basta malayo sa ugat at
Di makatiis sa buhok mo na bobcut
Sa dami-dami ng iyong pulseras at kwintas
Wala ka nang katumbas
'Kaw pa rin, baka pwedeng dagdagan pa ng singing
Sinubukan kong humanap ng iba
Sinubukan ko ang buhay mag-isa
Ginawa ko 'to ano ang napala?
Sa huli, ganon pa rin pala kasi
Ikaw na naman
Ang hinahanap sa gabi oh
Ikaw na naman
Ang gusto kong makatabi oh
Ikaw na naman
Ang hinihintay na makasabay
Walang papantay kahit sino pa man
Dalhin kita kahit saan
Dalhin kaya kita sa cinema
I'll reserve two seats
O di kaya sa QC
Okay lang maging choosy at mabusisi
Pagkat puso ko'y kandado at ikaw ang susi
Di ako naniniwala sa tadhana
Hangga't si kupido ay gumamit ng kanyang pana
Ngayon ako ay nasa harap mo
At umaasa na iyong mata ay mapasakin
At sa anak ko ay mapamana, uh
Ikaw ang pinakamagarbo sa aking paningin
Aking mga hiling sana ay iyong dinggin
Kinulayan mo ang buhay ko na madilim
Ang pait napalitan ng tamis na dala ng 'yong tingin
Pasensya na't ako ay bata pa
Di ko mabigay lahat ng hinahanap mo
Pero sa ngayon lang yon
Sa tamang panahon
Araw-araw tatratuhin natin na parang bagong taon
Ikaw na naman
Ang hinahanap sa gabi oh
Ikaw na naman
Ang gusto kong makatabi oh
Ikaw na naman
Ang hinihintay na makasabay
Walang papantay kahit sino pa man
Dalhin kita kahit saan
Dalhin kita kahit saan
Sa may kainan at may ukayan
Dalhin kita kahit saan
Lubak-lubak man ang mga daan
Dalhin kita kahit saan
Magbago man ang 'yong nararamdaman
Ikaw na naman
Ang hinahanap sa gabi oh
Ikaw na naman
Ang gusto kong makatabi oh
Ikaw na naman
Ang hinihintay na makasabay
Walang papantay kahit sino pa man
Dalhin kita kahit saan