Hiraya
Popularity · Low
YouTube
Searching YouTube...
Lyrics
Nag e-exist siya sa lahat
Nag e-exist siya sa lahat
Tapos yan yong anu eh yun yong love
Siya yong ano
Siya yong nag e-exist sa lahat na
Sobrang totoo
Sobrang totoo
Kapag nagmahal ka ano eh
Grabe yung kayang gawin
Andami kong pinagdaanang kahirapan
Napakadami kong pinaglalabang kayamanan
Hindi ko namalayang ako pala'y yumayabong
Kada sambit ng pangalan sabi nila yumayabang
Mahal pa rin kita kahit ganyan ka mag-isip
Wag ka mag-alala di nalang ako iimik
Ako ay mananahimik nalang dito sa may likuran
Malaya na makikinig kung sino sa harapan
May tamang panahon para ako'y magsalita
Pangakong sa oras na yon di nako mababalisa
Sa ngayon kailangan ko munang magpahinga
Kailangan ko na nguyain mga tira tirang tinga
Sa pagkatao kong minsang nilamon ng
Materyal na kamunduhan na nakakahibang
Oo kakaiba pakinggan mo ang aking tinig
Kasama mo sa lakbay mo pag gusto manahimik
'Di ko akalaing ang kalayaa'y mahahawakan
'Di ko akalaing ang kalayaa'y pagmamahalan
Pinagpatuloy ko lang kung anong nasimulan (pinagpatuloy ko lang kung anong nasimulan)
Heto ngayon magaan pinunan ng pagmamahal
Ang bawat mga patlang
Dati-rati tinatanong ko ang aking sarili
Hanggang kelan nga ba ako sa mundo mananatili
Ngayon wala nako masyado na pakielam
Nag-eexist nalang sa akin ay pagmamahal
Tawagin man nilang praning
Gagawin parin yung mga dapat kong gawin
Nabuhay ako dito di para maging pabibo
May misyon ako't motibo ko lahat ay positibo
Ba't ako matatakot sumulat ng mga tula
Hangarin ko lang naman ay pag-ibig anong masama
Alam kong may mapapala ako saking ginagawa
Pero sapat na sa'kin ang makita kayong masaya
Pag malungkot bigyan mo muna ng katahimikan
Ang sarili mo normal sa buhay natin yan kaibigan
Kaya 'ko nandito hindi dahil sa nandyan ka
Biro lang nandito ko para magpasaya
'Di ko akalaing ang kalayaa'y mahahawakan
'Di ko akalaing ang kalayaa'y pagmamahalan
Pinagpatuloy ko lang kung anong nasimulan (pinagpatuloy ko lang kung anong nasimulan)
Heto ngayon magaan pinunan ng pagmamahal
Ang bawat mga patlang