Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
Kanlungan
Myrus Ramirez
,
Princess Velasco
Popularity · Low
+
Filipino · Original
0
0
YouTube
Searching YouTube...
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Ooh, ooh, ooh
Pana-panahon ng pagkakataon
Maibabalik ba ang kahapon?
Natatandaan mo pa ba
No'ng tayong dalawa ay unang nagkita?
Panahon ng kamusmusan
Sa piling ng mga bulaklak at halaman
Doon tayo nagsimulang
Mangarap at tumula
Natatandaan mo pa ba
Inukit mong puso sa punong mangga
At ang inalay mong gumamela?
Magkahawak-kamay sa dalampasigan
Malayang tulad ng mga ibon
Ang gunita ng ating kahapon
Ang mga puno't halaman
Ay kabiyak ng ating gunita
Sa paglipas ng panahon
Bakit kailangan ding lumisan?
Pana-panahon ng pagkakataon
Maibabalik ba ang kahapon?
Ngayon, ikaw ay nagbalik (ngayon, ikaw ay nagbalik)
At tulad ko rin ang 'yong pananabik
Makita ang dating kanlungan
Tahanan ng ating tula at pangarap
Ngayon ay naglaho na
Saan hahanapin pa?
Lumilipas ang panahon
Kabiyak ng ating gunita (kabiyak ng ating gunita)
Ang mga puno't halaman
Bakit kailangang lumisan?
Pana-panahon ng pagkakataon
Maibabalik ba ang kahapon?
Oh, oh, ooh