Panata sa Puso
Rey Malipot & Maan Villanueva
Popularity · Low
YouTube
Searching YouTube...
Lyrics
Pusong mahal, ang pintig Mo ay tawag ng pag-ibig
Banayad Mong bulong sa 'kin ay kay gandang himig
Sa 'Yong bulong, aking puso'y sadyang naakit
Ngunit aking sala ay 'Yong pasakit
Ganu'n pa man, mananalig ako sa 'Yong habag
Nawa'y Iyong kalingain itong punlang tawag
'Di man ako handang lubos ako'y manunumpa
Puso Mong kasabay magtataya
Kahit nangangamba
Sa 'Yo ay mag-alay
Batid ko rin naman
Ikaw ang buhay
Kaya ako ngayo'y manunumpa
Ako sa iyo, habang-buhay
Kahit nangangamba
Sa 'Yo ay mag-alay
Batid ko rin naman
Ikaw ang buhay
Kaya ako ngayo'y manunumpa
Ako sa iyo, habang-buhay