Ating Nakaraan
Levaiz
Popularity · Low
YouTube
Searching YouTube...
Lyrics
Ilang taon na ang dumaan
Nang magwakas ang pag-ibig natin na akala ko dati, walang hanggan
Pilit kitang inalis sa puso ko't isipan
Subalit tuwing sasapit na ang gabi at ang paligid ay nababalot na ng katahimikan
Luha ko'y unti-unting aagos sa aking pisngi hanggang sa unan
Habang inaalala ang ating nakaraan
Yeah
'Di pa kayang burahin
Mga litrato natin
Dito sa aking telepono
At lahat ng ating
Nakasanayang gawin
Ay palaging naaalala ko
Kahit nasabi na'ng paalam
'Di ko pa rin makalimutan
Kahit pilitin mang iwasan
Ako'y patuloy na sinusundan
Ng ating nakaraan
Kamusta ka na? Masaya ka na ba?
Natupad mo na ba ang iyong inaasam?
Kahit na matagal na tayong wala
Hangad ko pa rin na mapabuti ka sinta
Sa halos limang taon nating pag-ibig
Matapos 'yon ay 'di sumagi saking isip
Dahil wala 'kong planong iwan ka
'Pagkat ikaw na ang nakikita kong makakasama ko
Hanggang sa pagtanda
Pero mapaglaro'ng tadhana
Unti-unti kang nawalan ng gana
Sa akin tuluyan kang nawala na
Masakit man ay kailangan ko ng tanggapin
Na hindi na ako ang 'yong gustong mahalin
Pero dito sa puso ko'y ikaw pa rin
Kaya ngayo'y
'Di pa kayang burahin
Mga litrato natin
Dito sa aking telepono
At lahat ng ating
Nakasanayang gawin
Ay palaging naaalala ko
Kahit nasabi na'ng paalam
'Di ko pa rin makalimutan
Kahit pilitin mang iwasan
Ako'y patuloy na sinusundan
Ng ating nakaraan
Ang laging laman ng panalangin ko noon
Sana ikasal tayo sa tamang panahon
Kaso paano pa kaya mangyayari 'yon
Kung may iba ka ng minamahal ngayon?
Pero 'wag mag-alala hindi na ako mangungulit pa
'Di na kita pipilitin na ako'y piliin hahayaan na kita mahal kung san ka masaya
Aking lilimutin lahat ng mga pangako at mga pangarap na binuo nating dalawa
Siguro nga tama ang sinabi mo sa akin na hindi talaga tayo para sa isa't isa
Patawad sa lahat ng pagkukulang ko sayo
Paalam, hanggang dito na lang ang ating kwento
Salamat sa pagmamahal na pinaramdam mo
Ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko
Kung sa ibang mundo tayo'y pagtagpuin
Sana doon ay tayo hanggang sa huli
Hmmm, sana doon ay tayo hanggang sa huli
'Di pa kayang burahin
Mga litrato natin
Dito sa aking telepono
At lahat ng ating
Nakasanayang gawin
Ay palaging naaalala ko
Kahit nasabi na'ng paalam
'Di ko pa rin makalimutan
Kahit pilitin mang iwasan
Ako'y patuloy na sinusundan
Ng ating nakaraan
'Di pa kayang burahin
Mga litrato natin
Dito sa aking telepono
At lahat ng ating
Nakasanayang gawin
Ay palaging naaalala ko
Kahit nasabi na'ng paalam
'Di ko pa rin makalimutan
Kahit pilitin mang iwasan
Ako'y patuloy na sinusundan
Ng ating nakaraan