Skip to content

Sol

UDCD
Popularity · Low

YouTube

Searching YouTube...

Lyrics

Araw-araw nasisilaw ako sa'yong kagandahan. Mawawalan ng paningin kung lagi kang pagmamasdan. Ngunit 'di ko maiwasan na sa'yo ay mapalingon, kahit yaring mata'y manlalabo. Araw-araw ay karimlan ng aking nasisilayan, at ikaw, tanging ikaw lang ang dahilan. Araw-araw ay gumagabi nang hindi ko namamalayan. Ngunit di ko maiwasan na sa'yo ay mabighani parin, kahit wala na ang aking paningin. Iibigin kita habang nahahagkan ka pa, kahit bilang na ang aking mga araw. (araw) Araw-araw ay iibigin kita hanggang sa'king huling hininga. Nasisilaw ako sa'yong liwanag, nasisilaw ako sa'yong kagandahan. Araw-araw kang iibigin kahit iba ang iyong mahal.