Skip to content

FOREVER HIPHOP

Popularity · Low

YouTube

Searching YouTube...

Lyrics

Pagbayo kalabog yung tunog tumagos sa loob ng buo kong katawan Lumago patago lumalawak pa to lalo bawat oras mabilis na gumaan Lumipad palayo maligaw man alam kong merong musika akong babalikan Tinaya dugo't pawis sinugal sinamahan ng dasal Ang buhay natin ay walang humpay na pasahan Ng kaalaman galing sa mga karanasan Isipin ng maigi ang pwedeng kalabasan Bago mo pasukin silipin mo ang nilalaman Ng damdamin mo ang hangarin mo Ang magsisilbing gabay sa lalakarin mo Papalarin ka wag kalang hihinto Lagi mo pakatandaan marami dyang pinto Totoo pero parang panaginip Pagkabuhay natin ang sarap umibig Minsan nga lang e parang nakakabitin Kapag naiisip kong lahat ng to'y kukunin Alam mo gusto ko lang din sulitin Pagkabuhay kong hindi na mauulit Kaso nga lang kailangan kong magpigil Kasi pag hindi baka maaga akong kunin Hirap na makatulog dami ko na mga plano Kakaisip ay ginalawan kahit paano Hindi matatanggi laman ng aking pagkatao Ramdam ko saking katawan daluyong ng bibrato Tulala sa umaga may kape sa harap Puro sulat iniisip kaya lagi lang puyat May pamilyang binubuhay kailangan ng ganap Laman ng aming plato galing saking pagrarap Siguro para sakin to tagal ko rin nahanap Naranasang maligaw sa mga pekeng alapaap Meron din ako ng sinasabing mong laganap Pero buti nanaig sa pag iwas naging panatag Parang dati lang walang nagaganap Tahimik lang ngayon andami nang naghahanap Dati walang ideya kung anong hinaharap Ngayon ginagawa ko ako magpapabago Ng buhay ko di hahayaang may makabulabog Ngayon tanaw ko na yung dati na kinakapa ko Dati nasusulasok habang nagsusumamo Ngayon natuto nako di na magpapasakop Sinubok na panis lahat walang palya ah Daming plano walang bago lahat tinaya Bihirang mabilib kaya bihirang makinig Lumalaganap di kailangang magpakasaid Gumaan mabigat man ang dagan Tinuloy mga hakbang binigay isang daan Sa daan sanay sa kalakaran Kaya kitang sasagana mga araw dadaan Maaraw o maulan dadaanan mo lang yan Ang kailangan lang ingatan ang mga kasamahan Tanda ko ang ilang nanatili, lumisan 'yaan nalang Pang hawakan mo yung para sayo lang Kung para sa akin lang mas mabuti pang Sara lang ang mga labe, kesa panay bigkas lang kunware Hilig mag bakasakale, sigurado di kailangan pasubali Mga balak daming bala 'lang balakid Iniingatan ko ngayon yung bawat sinasabe Sinantabe yung negatibo kaya di na bale Tahimik bsta merong may laman talaga naman Yung pangarap sa maayos ko to dinadale Handa nalang palage sa kung anong mangyare Tanda yung mga aral ginagamit pag lagare Tansya kung may pabagal yung resulta niyayare Lilipas den naman kaya tuon sa pag abante Sabe sabe lang nila yung pedeng humarang sayo Ikaw paren mag tatakda at pwedeng bumuo Nakasalalay sayong tibay ng bungo Kung gano tatagal sa tinatawag na laro sige lukso Natumba tumayo nagdilig lumago Tignan mo kung nasan na kami ngayon Tyinaga ko yung init sinagad pag kapihit Alam mong hindi lang to nagkataon Natural di pinilit nagtyaga di sumingit Tila umahon sa pagkakabaon Nilabag ko yung plano sinagot yung paano Susulitin lagi pagkakataon Walang papakawalan kasi alam na halaga Kung saan man dadalhin ngayon alam na talaga Dahil kahit may sumubok yung sumubok yung panis Kahapon pang handa parang maaga yung alis Dating kulit gagamitin sa tama Tama yung dati parin yung kasama Di narin mabilang yung aberyang dumaan Tila walang bago buhay lang yung gumaan Pagbayo kalabog yung tunog tumagos sa loob ng buo kong katawan Lumago patago lumalawak pa to lalo bawat oras mabilis na gumaan Lumipad palayo maligaw man alam kong merong musika akong babalikan Tinaya dugo't pawis sinugal sinamahan ng dasal Pagbayo kalabog yung tunog tumagos sa loob ng buo kong katawan Lumago patago lumalawak pa to lalo bawat oras mabilis na gumaan Lumipad palayo maligaw man alam kong merong musika akong babalikan Tinaya dugo't pawis sinugal sinamahan ng dasal