Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
Gatilyo
UMPH
,
BLKD
Popularity · Low
+
Filipino · Original
0
0
YouTube
Searching YouTube...
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Luwal sa panahon ng nakapaniping kalayaan
Nakakahon sa makasariling kabanalan
Bulag sa paghahari-harian
Tamad manindigan, tamad mangatwiran
Tayo ay henerasyong nilululong sa luho
Isip ay pilit kinukulong sa turo
Ng kulturang kanya-kanya
Upang mabusog sa pag-unlad na barya-barya
Tayo ay inaaliw upang maging abala
At nang 'wag mag-alala sa pagsasamantala
Hanggang malasakit ay masaid
Tayo'y minamanhid sa sakit ng ating mga kapatid
Lunod na lunod sa mga tsismis at balitang
Luhod na luhod sa iilang pinapanigan
Lugod na lugod silang nagbabait-baitan
'Pagkat mal-edukado, mal-edukado tayo
Pagmasdan ang bayan, kayamanan ang nasasakupan
Nasaan ang katarungan? Panay sakahan, may kagutuman
Sa lawak ng lupa, ba't may mga walang matirhan?
Kahit magtiyaga, walang mapala, natanikala na sa hirap na 'di maibsan
Hungkag ang pag-unlad na sa sambayanan ay humahati
At pag dahilan ng pag-angat ng iilan ay pagtapak sa nakararami
'Pagkat sa daing ay dahas ang karinyo
Pagmulat ay pagkasa, tayo ang gatilyo