Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
Kating-Kati At Di Mapakali
APO Hiking Society
Popularity · Low
+
Filipino · Original
0
0
YouTube
Searching YouTube...
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Kating-kati at 'di mapakali
Kanina pa nag-aabang d'yan sa tabi
Hindi malaman ang gagawin
Parang tanga at 'di alam ang sasabihin
Tila tulalang gising na medyo lasing
Oh, sana may dahilan, agimat o anting-anting
Upang 'di na maging mahiyain
Kapag kasama kita
Maraming tiyopeng tulad ko
Hindi pa mulat sa takbo ng mundo
Sa kuwarta ay laging kapos
Ngunit sa pagmamahal ay 'di nauubos
Oh, sana naman ako'y iyong pagbigyan
At pagmamahal ko ay iyong matikman
Ngunit hanggang matuto ako
Pagpasensiyahan sana
Sinasaulo'ng mga linya
Pati pantigang pangromansa
Ang natural, inaaral pa
Sa sarili'y walang tiwala
Tinininiw-niniw-niniw
Tinininiw-niniw-niniw-niw
Ngunit hanggang matuto ako
Pagpasensiyahan sana
Sinasaulo'ng mga linya
Pati pantigang pangromansa
Ang natural, inaaral pa
Sa sarili'y walang tiwala
Kating-kati at 'di mapakali
Kanina pa nag-aabang d'yan sa tabi
Hindi malaman ang gagawin
Parang tanga at 'di alam ang sasabihin
Tila tulalang gising na medyo lasing
Oh, sana may dahilan, agimat o anting-anting
Upang 'di na maging mahiyain
Kapag kasama kita
Kating-kati at 'di mapakali
Kapag kasama kita
Kapag kasama kita