Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
Kurba
Maki
Popularity · Moderate
+
Filipino · Original
0
0
Listen
YouTube
1
2
3
0:00 / 0:00
Loading YouTube player...
Lyrics offset
Synced
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Tinatangi, maaari bang sumagi sa landas
Na tinatahak ng mga mata mong ngumingisi?
Oh, aking 'di mawari dahilan ng paghahari mo
Sa 'king kaisipang hindi makahindi
Marahan na pagkurba ng aking mga labi
Sabay sa marahan mong tingin
Mahabaging mata mo'y sumaakin
Nabanaagan aking damdamin
'Di man ipahalata bawat hangin mong buga
Ang kapanatagan ko
Walang ibang nais aninagin
Ikaw liyag ang siyang aakapin
Sa iyo tumutugma, isip ko't kaluluwa
Sa maingay na mundo, ikaw ang pahinga
Bawat hawi mo sa 'yong buhok
Ay lalong lumalalim
Ang pagtangi ko sa 'yo't
Aking pagkabighani
Paboritong kurba ang 'yong mga labi
Ngiti mo sa 'ki'y paratingin
Mahabaging mata mo'y sumaakin
Nabanaagan aking damdamin
'Di man ipahalata bawat hangin mong buga
Ang kapanatagan ko
Walang ibang nais aninagin
Ikaw liyag ang siyang aakapin
Sa iyo tumutugma, isip ko't kaluluwa
Sa maingay na mundo, ikaw ang pahinga
Mahabaging mata mo'y sumaakin
Nabanaagan aking damdamin
'Di man ipahalata bawat hangin mong buga
Ang kapanatagan ko
Walang ibang nais aninagin
Ikaw liyag ang siyang aakapin
Sa iyo tumutugma, isip ko't kaluluwa
Sa maingay na mundo, ikaw ang pahinga
Tinatangi, maaari bang hayaan mo 'kong
Salubungin ang bawat kurba mo