Skip to content

Pasko Na! (A Capella)

Bukas Palad Music Ministry
Popularity · Low

YouTube

Searching YouTube...

Lyrics

Ako'y nagtataka sa Paskong kay lamig Doon pa nadama init ng pag-ibig Sa sanggol at Ina, puso'y huwag isara At sa bawat isa puso mo'y buksan na Pasko na! Pasko na! Tayo'y magkaisa Magsama sa saya Ng Sanggol at Ina Ako'y nagtataka sa sabsabang payak Doon pa nadama dangal ng Haring Anak Sa Sanggol at Ina, puso'y huwag isara At sa bawat isa puso mo'y buksan na (KORO) Pasko na! Pasko na! Tayo'y magkaisa Magsama sa saya Ng Sanggol at Ina Magsama sa saya ng Sanggol at Ina! Pasko na!