Skip to content

Isang Araw

Popularity · Low

YouTube

Searching YouTube...

Lyrics

Isang Araw Isang araw, makasama ka at sabay tayo na lumikas Isang araw, nagtataka bat nga ba kailangan mo ng umiwas Bigyan mo kong isang araw pa, oo, isang araw pa O nong isang araw pa sapagkat siya ay kahapon na lumipas Tila bisyo, katawan panay daga Ang labas ay marupok Siya sigarilyo, pampatanggal ng kaba Mala alak pampalakas ng loob Magandang damong nagpalutang sa hangin Kaya dugo at laman sakanyang lagkit nadikit Tama ng batong nagpamulat saakin Mala usok kanyang laway na kakapit sa bibig Dala dala ang tama at dama hanggang sa huli Sabayan ang trip ko sa kandilang natutunaw Siya ay masarap na ka-jam parang kabute Kanyang asido ay sa may dila matutunaw Mala heroine na tinurok ko sa sarili ko Bitin to, maging bubog ay pinulbo sa lamesa Singhutin, dumiretsyo sa may isip ko Hindi ko na sinunod mga utos sa tableta Isang araw, makasama ka at sabay tayo na lumikas Isang araw, nagtataka bat nga ba kailangan mo ng umiwas Bigyan mo kong isang araw pa, oo, isang araw pa O nong isang araw pa sapagkat siya ay kahapon na lumipas Sa pag iisa ng dalawang katawan Nagsamang spirituwal nasa may Kasalanang iligal sa palara Napalasa mga kimikal nang magpasakal Namalayang kriminal hanggang pagbawalan Nakakasamang ibigang kanyang pagkawala Ng hiling nya sa mga dasal, bawat tikiman napakabanal Dahan dahan kada tingin niya napapamahal Ngayon kulong sayo nalululong ng sobra At gayong buod tapos na, tutuloy ng obra Na may tutuldok pa o may susunod ba to sa Pagkat ang magwawakas ang bubuo ng storya kaya Isang araw, makasama ka at sabay tayo na lumikas Isang araw, nagtataka bat nga ba kailangan mo ng umiwas Bigyan mo kong isang araw pa, oo, isang araw pa O nong isang araw pa sapagkat siya ay kahapon na lumipas