Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
Tala
Lil Ron
Popularity · Low
+
Filipino · Original
0
0
Listen
YouTube
1
2
3
0:00 / 0:00
Loading YouTube player...
Lyrics offset
Synced
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Oh...
Sa tuwing ikaw ay pinagmamasdan ko mula sa malayo
May kung anong nararamdaman ang aking puso
Ito'y biglang gumaan, may kakaibang kalakip dahilan
Kung bakit iniisip, pinipilit, makalapit at maisagawa
Ang aking ninanais na ipadamang labis kung gaano kahalaga
Ang nararamdamang kiliti kung bakit napapangiti
Ay siyang nagdulot ng iyong ganda, ah, ha
Wala pa ngang ibang nagpasaya nang ganito kalala
Sa 'king mga paningin pa lang ay lumalarawan ang paglalambing
Na tiyak ay hanap mo
Kaya kahit palihim ay binubuhay
Pinapatingkad lalo ang pag-ibig ko, whoa
Para kang talang bumaba sa langit
'Di ko alam kung bakit sa 'yo ako'y naakit
Wala nang ibang mahalaga, para sa 'kin ay ikaw lang talaga
Kaya sa 'yo lang ako maglalambing (sa 'yo lang ako maglalambing)
Para kang talang (gusto lang kita lambingin)
Bumaba sa langit (ingatan ang tulad mo)
'Di ko alam kung bakit (gusto lang kita lambingin)
Sa 'yo ako'y naakit (mahalin nang buong puso ko)
Sana'y malaman mong ikaw (wala lamang sa akin ang alagaan ka)
Ang siyang pangarap ko, whoa (sa 'yo ako'y maglalambing)
(Sa 'yo lang ako maglalambing)
Sa taglay na ganda mo, ika'y lubos na pinagpala
Tingin ko sa mata mo'y parang magagandang tala
Isa kang diwatang aking pinapangarap
Sa 'yo natagpuan ang lahat ng hinahanap
Nais mahawakan ang iyong mga kamay
Sa mga panahon na ika'y nalulumbay
Sumandal ka lang dito sa 'king balikat
Lahat ng problema mo, ako'y 'yong kaakibat
Subalit paano maisasakatuparan (subalit paano)
Lahat ng ilusyon ko kung iniirapan?
'Di ka malapitan, laging may pagitan (hindi malapitan)
Sa 'ting dalawa, kailan may mamamagitan?
Matagal-tagal na din akong nagpapapansin
Ligaw-tingin kung tawagin
Sa isang binibining 'di ko pa nakakasama
Pa'no sasabihin na sa 'yo ay may paghanga?
Para kang talang bumaba sa langit
'Di ko alam kung bakit sa 'yo ako'y naakit
Wala nang ibang mahalaga, para sa 'kin ay ikaw lang talaga
Kaya sa 'yo lang ako maglalambing (sa 'yo lang ako maglalambing)
Para kang talang (gusto lang kita lambingin)
Bumaba sa langit (ingatan ang tulad mo)
'Di ko alam kung bakit (gusto lang kita lambingin)
Sa 'yo ako'y naakit (mahalin nang buong puso ko)
Sana'y malaman mong ikaw (wala lamang sa akin ang alagaan ka)
Ang siyang pangarap ko, whoa (sa 'yo ako'y maglalambing)
(Sa 'yo lang ako maglalambing)
Tila para kang anghel na galing sa langit
Pagmamahal mo lang ang nais ko kahit
Alam kong isang ilusyon ko lang ang lahat ng ito
Pero 'di ko inakalang darating pala ang panahong
Hindi ko na namalayan na mali pala 'ko
Ng desisyon kung saan ako nasanay
Panahon at oras ko ang inalay
Para sa babae na hanggang tingin lang ang paglalambing ko
Pero kahit na gano'n, mahal kita, mahal na mahal kita
Para kang talang (gusto lang kita lambingin)
Bumaba sa langit (ingatan ang tulad mo)
'Di ko alam kung bakit (gusto lang kita lambingin)
Sa 'yo ako'y naakit (mahalin nang buong puso ko)
Wala nang ibang mahalaga (wala lamang sa akin ang alagaan ka)
Para sa 'kin ay ikaw lang talaga (sa 'yo ako'y maglalambing)
Kaya sa 'yo lang ako maglalambing
(Sa 'yo lang ako maglalambing)
Para kang talang (gusto lang kita lambingin)
Bumaba sa langit (ingatan ang tulad mo)
'Di ko alam kung bakit (gusto lang kita lambingin)
Sa 'yo ako'y naakit (mahalin nang buong puso ko)
Sana'y malaman mong ikaw (wala lamang sa akin ang alagaan ka)
Ang siyang pangarap ko, whoa (sa 'yo ako'y maglalambing)
(Ako'y magla-la-la-la-lambing)
Para kang talang (gusto lang kita lambingin)
Bumaba sa langit (ingatan ang tulad mo)
'Di ko alam kung bakit (gusto lang kita lambingin)
Sa 'yo ako'y naakit (mahalin nang buong puso ko)
Sana'y malaman mong ikaw
Ang siyang pangarap ko, whoa (sa 'yo ako'y maglalambing)
(Sa 'yo lang ako maglalambing)