Lampara
Popularity · Low
YouTube
Searching YouTube...
Lyrics
Maling akala walang pag-asa
Ikaw at ako pala ang nakatadhana
Biyaya ang mapasaakin ka
Wala nang dapat na lumisan pa
Namumukod tangi (pangarap ko'y ikaw)
Ikaw lang palagi (hindi na bibitaw)
Wala nang iba akong pipiliin
Kundi ikaw (ikaw)
Ikaw
Kaya salamat nakilala kita
Naghintay biglaang dumating ka
'Di na muli ako lalaban mag-isa
Mundo ko'y naging makulay bigla
Nanumbalik ang naglahong saya
Binigyang liwanag ang ngiti sa'king mukha
Na parang lampara
Ikaw ang kardungan nagsisilbing duyan
Ang nais na makasama ko
Sa habang buhay
Aalagaan kita
Aalalayan ka pa sinta
Namumukod tangi (pangarap ko'y ikaw)
Ikaw lang palagi (hindi na bibitaw)
Wala nang iba akong pipiliin
Tanging ikaw lang at ikaw
Kaya salamat nakilala kita
Naghintay biglaang dumating ka
'Di na muli ako lalaban mag-isa
Mundo ko'y naging makulay bigla
Nanumbalik ang naglahong saya
Binigyang liwanag ang ngiti sa'king mukha
Na parang lampara
Liwanag mong dinadala
Salamat aking lampara
Ikaw ang tanglaw na abot tanaw
Minamahal kita
Kaya salamat nakilala kita
Naghintay biglaang dumating ka (oh-oh-oh)
'Di na muli ako lalaban mag-isa ('di na mag-isa 'di na mag-isa)
Mundo ko'y naging makulay bigla (makulay bigla)
Nanumbalik ang naglahong saya
Binigyang liwanag ang ngiti sa'king mukha
Na parang lampara